Wag mo isipin lahat ng pinapakita niya sa’yo e totoo, baka kasi sinasakyan lang niya ang kaligayahan mo.
Stop holding yourself back.

Wag mong ikadena ang sarili mo sa mga ala-ala ng nakaraan. Matuto kang humakbang paharap. Matuto kang lumayo sa mga bagay na nakakasakit sayo. Sabi nga nila, “Life is too short to waste time.” I-enjoy mo ang mga nalalabi mong araw sa mundo. Wag kang magmukmok. Kahit na masakit ang pinagdaanan mo, hindi yun rason para habang buhay kang maging bitter at emo.
Move on. Let go. Explore more. :)

